Thin Line Between Katangahan and Love

Sorry kung magmumukang emo na naman ako, pero seryoso positive to. Pag may mga realization ka sa buhay na makakapagpabago ng mga pananaw mo, dapat tingnan mo yan in a positive light.

Seryoso, meron lang napaka nipis na linya na naghihiwalay sa pagiging tanga at pagmamahal. Hindi masamang maging tanga kung nagmamahal ka dahil tanggapin mo man ito o hindi, ang pagmamahal talaga ay may kaakibat na pagpapakatanga.

Yun lang nagpapauto ka na kailangang may monthsary, kailangan ng regalo, kailangan magtext at tumawag, lahat yan ay pagsusuko ng some part ng sanity mo. Bakit? Kasi mahal mo. Kapag ginamit na sayo yang dahilan na yan, wala na. Talo na ang kaso. Ipapakita mo lahat ng negative side tapos ang ibabanat sayo eh “kasi mahal ko” wala talo ka na. Hindi mo makikita sa kahit anong libro ang depensang matatalo yan. Itaas mo na lang yung dalawang kamay mo at sumuko ka na.

Lately lang sinabi ko sa isang kaibigan nung niyaya nya ako manood ng upcoming movie ni Angel at John Lloyd, di mo naman kailangang maging higit sa isang libong tao sa mundo, ang mahalaga on your worst self, ikaw parin ang pipiliin nya. Nabago ang pananaw ko ng mag-usap kami ni ano.

Ang pagmamahal kasi ng isang taong nasa worst self nya ay pagiging tanga. Papasok ka sa isang relasyon ng buo ka, yung masaya ka mag-isa, yung mahal mo yung sarili mo. Kasi dapat ang taong magiging karelasyon mo, ganito rin ang kayang ibigay sayo. Yung mga tipong i-will-save-you-chuvaness-ekek ay isa lang malaking chos! Gusto mo ba ng lalaki o babaeng hindi kayang i-save ang sarili nya? Kung oo, congratulations, tumatawid o natawid mo na ang thin line.

Ang yabang ko magsulat ng ganito. Sa totoo lang, di ko laging naaapply sa sarili ko. Kaya ang ginawa ko, sinave ko to as reminder. Nag-aalarm at a particular time of the day para basahin ko. So far effective naman. 😛 At higit sa lahat, inaayos ko ang sarili ko physically and emotionally. Dapat presentable at healthy, hindi kailangang payat. Wala na dapat bad vibes. Make new friends. Mag-aral ng mabuti. Magbasa para sa recit. Mag-aral mabuti. Ayusin ang trabahon. Mag-aral ng mabuti. Maging mabait sa lahat ng tao. Maging good friend. Trust in His plans. At mag-aral ng mabuti. Dahil gusto ko, pag dumating na yung time para maging masaya ako, maiisip ng tao na yun na worth it i-cross from time to time ang thin line ng pagiging tanga at love dahil para naman sakin pareho. ♥

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: