Kung Paano Ko Nakita

Ang hirap magsimulang magkwento. Una, wala naman kasi talagang dapat ikwento. Hindi kasi ito yung tipo na ibbroadcast sa facebook o iuupdate sa twitter. Yung mga ganitong istorya, pang dalawang tao lang, plus yung bestfriend ni girl dahil likas na silang madaldal at kailangan mailabas yung saya.

Sabi nga sa pinakapaborito kong pelikula ang 500 Days of Summer, “this is a story of a girl and a boy, but this is not a love story.” Binibigyan ko na din ng ganyang disclaimer ang kwentong ito. Isa kasi tong malaking test of friendship. Sasabihin ko sana na katangahan, pero hindi eh, hindi ito magiging katangahan kahit kailan sa pananaw ko.

Saan nga ba ako magsisimula? Doon sa ba nakita kita ng unang beses at ni-rank kita na pangalawa na pinaka gwapo o nung unang beses ka nag-comment sa facebook post ko? Pwede ko rin kasi simulan sa unang beses na nag-chat tayo o nag-usap ng seryoso. Hindi ko rin alam kung dapat ang simula eh yung sa napaka corny mong tilapya joke kahit hindi mo naman alam kung bakit ako umiiyak. Siguro mas tamang simulan noong inamin mo na (tama naman pala ang nararamdaman ko sa mga kilos mo) gusto mo ako, na gusto mo rin ako.

Gusto kong ilagay dito yung gitna ng kung ano mang nangyari. Pero hindi na, hindi na muna. Baka kasi pag sinulat ko, mawala na yung saya at kilig tuwing maalala ko. Hindi ko sasabihin lahat ng lugar na pag nakikita ko ngayon eh napapangiti ako kasi naalala kita. Sa susunod ko na lang isusulat yung naramdaman kong saya tuwing may ittext ka na kakaiba sa normal mo namang ittext o tatawag ka sa mga panahon na di ko naman iniisip na tatawag ka. Hindi ko isusulat kung gaano mo ako napangiti at napasaya. Hindi talaga.

Pero tapos na. Saklap. Hindi ko pwedeng sabihin na nawala ka dahil hindi ka naman naging akin. Walang nang-iwan o iniwanan dahil wala naman talaga. Basta na lang natapos. Bakit? Kasi yun ang tama. Syempre, 22 lang ako at bata pa at sa ngayon iniisip ko na hindi naman talaga tapos to. Malay mo bukas, iba na ang ihip ng hangin at pwede na maging tayo. Shet! Naiyak ako na sabihin yung word na yun, Tayo. Yan yung bagay na wala na ako. Pang ilang move on attempt ko na ba to? Natatawa na lang din ako sa sarili ko.

Sure na ako na hindi mo naman ako ganun kagusto para i-search ako sa google at i-stalk ang blog ko. Kasi kung ginagawa mo yan, siguro binasa mo na dapat yung post bago to. Oo, para sayo din yun. So ngayon, ibang approach na ang gagawin ko. Sa unang pagkakataon, wala akong gagawin. Hindi ako lalapit at hindi din ako lalayo. Hindi ako magpapangap na masaya at hindi rin ako magpapakatanga sa lungkot. Mawawala din lahat to, kung hindi, aba ibig sabihin nagkaroon ng lahat ng ito. Kung alin man dun ang mangyari, parehong magiging masaya ako.

Sabi ko nga, isa lang tong test of friendship. Kung meron o wala mang mangyari, ang sigurado lang ako eh yung pagkakaibigan na meron tayo. Yung tipo ng pagkakaibigan na kaya mong kalimutan lahat ng nangyari kapag alam mo na kailangan ka nya. Yung pagkatapos ng baliw-baliwan na conversation sa text, eh biglang pwedeng i-shift sa mga maling pronunciation ng ibang tao. Yung pagkakaibigan na tatagal kahit may pamilya na kayo. Yung pagkakaibigan na maiiwan pagkatapos ng lahat ng naramdaman mo.

Ganito ko nakita ang lahat at ganito ko ito tinitingnan, isang tunay na pagkakaibigan. Walang galit, walang hard feelings. Lahat siguro dadaan sa ganito. Maarte lang talaga ako kaya sinusulat ko.

 

P.S. Pwede pang lagyan ng dash yung pagitan ka at ibigan. Pwede pa basta maayos ang lahat at nandito pa yung nararamdaman ko. Kung ayaw ko na tsaka mo naman gusto, sorry na lang, ninang na lang ako ng magiging anak mo. 🙂

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: