No Such Thing

I wanna run through the halls of my high school, I wanna scream at the top of my lungs…

Or so the song of John Mayer goes.

I have been singing this for the last 24 hours. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Yung seryosong sagot, alam ko. Hindi ko lang kayang tanggapin sa sarili ko na nararamdaman ko to. Simple lang naman, naiinggit ako. Bad diba? 😐 Kung papagandahin ko, siguro, napapagod lang ako. Tapos na yung limang exam ko pero may isa pa mamaya at may isa pa sa Sabado. Lahat yun, wala akong confidence na papasa ako. Bumibigay na yung katawan ko. Nakakatulog ako, umaabsent ako sa trabaho. Ni hindi ko parin masagutan ng sobrang maganda yung mga exam ko.

Sana full time student na lang ako. Ayan, sinabi ko na bluntly. Awang-awa na ako sa sarili ko. Hindi madali mag law school at magtrabaho ng full time ng sabay. Ang hirap na ikaw yung magiisip araw-araw kung may pamasahe ka pa ba o wala na. Nakakawala ng self-confidence yung kakain ka ng madami sa free lunch ng office para lang hindi mo na kailangan bumili ng breakfast o merienda. O yung makisama sa mga dorm mates mo dahil hindi mo na afford yung sariling kwarto sa isang totoong apartment. Ang hirap na hindi na ako nakakabili ng sariling libro, naghihintay nalang ako sa mga matapos si Krae sa mga libro nya tapos mag-notes na lang ako, ni hindi ko na kayang ipa-photocopy. Wala akong laptop para sa mga cases ko, kailangan ko tapusin yung mga case digest habang lunch time sa office. Tapos ang maririnig mo pa sa ibang tao eh madami kang pimples at mataba ka. Sorry ha, kasi puro junk food na lang ang afford ko. At kailangan ko mastress at mapuyat sa pag-aaral. Siguro kung mayaman ako, di ko mararanasan yan. Pero hindi naman namin kasalanan na wala kaming pera. Na hindi namin kaya na mag full time student ako. At mas lalong hindi kasalanan nila nanay na hindi nila alam na ganito ang nangyayari sakin.

Pagod na pagod na ako. Siguro, hindi ko dapat pinipilit to. Baka mas may tamang panahon para tuparin yung mga pangarap ko. O baka hindi naman talaga ako dapat maging abogado. Ambisyosa kasi ako minsan eh.

Yung totoo, gusto ko lang kumain ng kare-kare, uminom ng malamig na coke at matulog ng sampung oras na hindi ko iisipin kung anong consequences ng actions ko. Gusto ko ng isang araw na kahit sarili ko hindi ko responsibilidad, yung tipong may magmamakaawa para lang kumain ako at may magbabantay para wag akong gisingin. Sa bawat tunog ng alarm ko sa umaga para ipaalala sakin na dapat ako gumising at magtrabaho, gusto ko lang sumigaw, ibalot yung sarili ko sa kumot at umasa na mawawala ako at pagbalik ko, bumalik na palaban na Cielo na kilala ko.

Advertisements

4 thoughts on “No Such Thing

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: